Ang Kaharian ay Parating. . . Nakahanda ka ba?

[en español] [Italiano] [en français] [in English] [Urdu] [Punjabi]

Isang Kahanga-hangang araw ay parating, araw na puno ng kapayapaan, katarungan , kabanalan at hindi mapantayang kagalakan. Si Hesus ay muling pababalikin ng Diyos dito sa lupa upang isaayos ang lahat. Ang kanyang mga tagasunod ay muling bubuhayin upang magkaroon ng buhay na walang kamatayan at itatalaga sila sa mga katungkulang may kapangyarihan. Sa mga panahong ito, ang mundo ay muling manunumbalik sa Paraiso Ang mga disyerto ay mamumulaklak, ang takbo ng panahon ay magbabago, ang polusyon ay titigil na at ang tag-gutom ay papalitan ng kasaganaan. Ito ang Kaharian ng Diyos. Gaya ng isang rumaragasang truck, walang makapipigil sa nalalapit na pagdating ng Kaharian. Hindi papayagan ng Diyos ang ano man upang hadlangan ang Kanyang balak para sa mundo.

Handa ka ba? Upang maging handa, kinakailangan mong makinig, unawain at tanggapin ang balitang ito ukol sa parating na Kaharian. Maliban dito, mayroon pa ring isang malaking suliranin ang iyong mga kasalanan. Walang sinoman ang papayagang makapasok sa Kaharian kung sila ay may mga kasalanang hindi napapatawad. Subalit, ang Diyos ay may kalutasan, ang tangging paraan upang ang inyong mga kasalanan (ano man ang mga ito) ay mapawi, ay paniwalaan mo na si Hesus ang Hari ng Kaharian ay na matay para sa iyo at Siya ay binuhay na muli ng Diyos. Ihayag mo si Hesus bilang iyong personal na panginoon at tagapagligtas at mag pabautismo sa kanyang pangalan. Mangako kang sundin ang mga salita ng iyong bagong panginoong, Hesukristo. Baguhin mo ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagtalikod sa kasalanan patungo sa banal at tamang pamumuhay para sa pagsisilbing may pagmamahal sa kanya na namatay para sa iyo.

Nais mo bang magpatuloy sa pagbabasa? O makinig sa Ebanghelyo? O kaya ay dalawin kami sa darating na linggo?